Personal: Eyeglass or Contact Lense?

credits to twettey.com
Hello! I’ve been sick for the past few days that’s why I was not able to post any thing yet until today. I’ve been sick for the past few days. It started last Wednesday, I still report to work inspite of the flu grabe ung sipon ko ang lamig pa naman sa office kaya lalong nag-trigger ung lala ng sipon ko. Not until Thursday afternoon, may iba na akong nararamdaman with my eyes. I was like teary eyed na and sumakit na sya later on. Nahihirapan na akong dumilat, at kahit nakapikit ako, tuloy pa rin ang luha ng mata ko. May solution akong pinapatak sabi ko pagtulog ko kinabukasan hindi na ito masakit. But I was wrong! Silaw ako sa ilaw and sabi ko kaya ko pa, I need to go to work dahil Friday maraming kailangang i-submit, maghalf day na lang ako kasi hindi na makakapag-antay ng Saturday ang pagpunta ko sa doctor. I was very alarmed and afraid na baka mabulag na ang kabila kong mata!
credits to phoenixlasiksurgeon.org
Inborn ang pagiging malabo ng mata ko sabi ng opthalmologist. Nalaman lang na malabo ang mata ko noong Grade 3 ako. I remember pinabasa ako sa board nang teacher ko and hindi ko mabasa, nagtaka si teacher kung bakit, ang sabi ko hindi ko po kasi makita (nasa last row ako nakaupo kasi matangkad ako.. hehe) So doon nga nadiscover. I started wearing eye glasses na noong grade four na ako like mga 150 na ang grado ko noon. Habang nagdadalaga syempre naconscious na akong magsuot ng salamin kasi mukha akong nerd. So sinusuot ko lang sya sa klase, kaya sa school akala nila mataray ako kasi hindi ako namamansin, ang di nila alam hindi ko sila masyadong nakikita. 
credits to eyepiecesdallas.com
I’ve been wearing contact lenses since I started working (May pambili na kasi ako! Hehe). In the first two years wala namang problema, na-master ko na rin ang paglalagay ng contact lense kahit hindi nakaharap sa salamin. Dalawang incident lang naman na nagpunta ako sa opthalmologist kasi nagka-scratch ung mata ko because of the contact lenses. Pero yung incident ngaun was very alarming kasi halos hindi na ako makadilat and super silaw ako. I went to Eye Referral Center located sa Kalaw to have my eyes checked. Actually nagstart ma-irritate ung mata ko when I changed my solution. I’m using Air Optix and the opthalmologist said na High-End na ung ginagamit ko kaya nagtaka rin siya bakit ganon. Ang sabi ko baka malamang ung solution kasi nagpalit ako. Yung partner na solution ni air optix na ginagamit ko before eh ma-phase out na daw so ni-recommend nung eye center na binibilhan ko na baguhin na at gamitin ko na ung bago. Ang findings may sugat ung left eye ko, balik salamin and bawal magpuyat at magbabad sa computer, manood ng tv ng matagal for the whole week and kailangan ulit bumalik sa doctor.
So I need to bare wearing my eyeglasses again this week. Right now nasa 650 na ang grado ng mata ko with astigmatism at malamang sa malamang mas tataas pa siya sa darating na taon! Kung ako papipiliin, mas gusto ko sana contact lense. Hassle kasi magsuot ng salamin. Right now kailangan munang magpagaling. Will wait for the doctor’s advice kung ano ba dapat. Kailangan ko magschedule ng oras sa sa paggamit ng computer and all so please bear with me.
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s